Patricia Camille Caramat












About Me

BURSTING YOUR BUBBLE SINCE 1993.


Follow Me
Facebook
Myspace
Multiply
Twitter
YM
Livemocha
Tumblr
Plurk
Deviantart

Throwback

Credits

theme by Steff Tabalong

Willkommen Freshies :)
Saturday, May 5, 2012, < 10:23 AM
May 2009 noon, alam kong nakapasa na ako sa UST, nakapagenroll na ako, may uniform na rin ako. PERO may matinding kaba pa rin akong nararamdaman lalo na't papalapit na ang unang araw ng klase. Wala kasi akong kilala na magiging kaklase ko noon, at naiisip ko na baka merong magbabarkada na na nakapasok sa section namin. "Ganito ba talaga pag college na? Parang ayoko pa ata" naisip ko non.

June 2009 noon, nakita kong marami nang naghihintay sa labas ng room 217. "Lalapit ba ako?" Iniisip ko sa sarili ko. Kinakabahan kasi ako, hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin. Hangga't sa may nakita akong isang babaeng, wala siyang kasama. Humanap ako ng lakas ng loob at kinausap siya. Sa wakas, may kasama na ako! Tapos biglang may lumapit sa amin, at isa pa, at isa pa, hanggang sa lima na kaming magkakasama. Alam niyo ba? Hanggang ngayon, sila parin yung kasama ko, may mga nadagdag lang. Ang tawag namin sa barkada namin at TenTenten.

May 2012 na, at isa sa mga pinakamagandang nangyari sa akin this summer ay yung nakilala ko sila. Yup, ang mga incoming first year students ng CTHM. Bakit? Kasi ibang klase sila. Nakapababait, approachable, nakakatuwa at sobrang galang. Pakiramdam ko bumalik ulit ako sa pagkafirst year. Hindi ka maa-out-of-place, bibbong bibbo sila pag kinakausap. Kaya naman pagdating ng 1st sem ay medyo malulungkot ako kasi hindi ko sila makikita :(. Sa Baguio Country Club kasi ako magppracticum, 5-6 departments kasi yung pwedeng mapuntahan so magandang opportunity rin yun para matry ko lahat.

At natuwa ako ng tanungin ko sila kung gusto nila ng mommy, maraming nagsabing oo. At ngayon, mommy at baby na tawagan namin. Nakakatuwa diba? Nakakatuwang isipin na may pamilya ka sa loob ng building, sa CTHM at sa UST. Sana lang makauwi ako ng mas maaga para makausap ko na sila. After a year, goodbye CTHM na. Ang bilis ng panahon, parang dati lang nagbbake kami kay Chef Mae, nagjjulienne ng vegetables, gumagawa ng stock for 6 hours, etc. Ngayon, wala na kaming lab, mawawala pa kami ng isang sem. Ilang buwan na lang, ggraduate na kami.

Pares, Tusok Tusok, Siomai, Turon sa lacson, mamimiss ko to. Kaya naman babies, kailangan niyong matikman yan mga yan. Pero mas masarap yan kainin pag magkakasama kayo :). Tandaan, pag nagtitipid, lumabas lang kayo ng UST, marami masasarap na pagkain don. Lalo na sa Mang Toots sa P. Noval ;). Sa Asturias, sobrang daming pwedeng kainin. Dynamite, Isaw, Mangga, Mais, etc. :)

Yung naexperience niyo ngayon summer, ibang klase talaga yan. Sobrang close niyo na wala pang pasukan. Kaya sa 1st day I'm pretty sure hindi na kayo gaanong kakabahan nun. Basta pag nakita niyo sila Kuya Kenneth, Ate Divine, etc niyo. Batiin niyo sila :). Kasi baka minsan pag sobrang busy nila eh hindi nila masyado mapansin kung sino yung nasa paligid nila. I'll still find the time to talk to you guys sa text, twitter and fb chat kahit may work na ako. Syempre, babies ko kayo eh. And hindi ko makakalimutan yung "bond" na nabuo natin this summer. I love you babies!

At sa aking better half (chos), alagaan mo ang babies natin pag wala na ako. Haha. :P



« older entriestoprecent entries »