"BIBBO is not just a political party, it is also a family."
Masaya ako at naging parte ako ng BIBBO. Mas naging makulay at interesado ang college life ko dahil dito. Noong first year pa kami, wala naman talaga akong hilig sa pulitika. Yung friend ko kasi nun (Kazel Domingo), friend si ate Caren Bernabe (BIBBO chairperson noon). Niyaya niya kami magBIBBO. Marami samin sa klase pumunta noong meeting. Nagpakilala kami, nagkakahiyaan pa nga eh. Tapos kwinento nila kung paano nabuo yung BIBBO. Naramdaman ko kaagad yung ~closeness~ nung mas nakatatandang members sa isa't isa. Kahit na nahihiya pa ako sa kanila nun, sobrang thankful ako na umattend ako nun.
Second meeting na naattendan ko, nandon kami sa Quadri. Akala ko seryosong usapan lang yung magaganap, pero hindi pala. Naglaro pa kami, nagkwentuhan at nagtawanan lang. Sobrang talagang pamilya kaagad. Nag-aasaran narin kami tsaka sabay sabay umuwi. Pinapaalis na nga kami nung guard eh. Hahaha.



Medyo nagiging close na ako sa BIBBO. Nagmeet ulit kami sa TYK naman. Birthday ng isa sa members kaya may libre pang cake (HAHA). Nag-usap kami about mga dapat ipasang requirements. Dumating si Juni and Juancho tapos nagmagic lang sila. Nauso rin sa amin yung salitang "jupao". Kahit ano pwedeng iasssociate sa word na yun, bahala nang magisip yung sinasabihan nun. Pero nagkakaintindihan kaming lahat :P


Unfortunately, hindi kami naaccredit ng COMELEC that year. I'm not sure what the reason was kaya I won't post it here. Tatlo yung tumakbo sa amin for SC. Si Jhona Gay Pablo, Pio Sanchez and Diana Sy. Nanalo sina Ate Diana (president) and Pio (treasurer).
Nung March 2010, nagdinner kami sa may Italian resto sa Dapitan (forgot the name). Parang victory party na rin namin yun tsaka get together kasi ggraduate na sila Ate Jhen, Ate Caren, Juni and Juancho. Tapos nag-usap usap narin kung sino yung new set of officers sa BIBBO for the next acad year. Ako yung ginawa nila Director for Logistics.



Maganda yung pasok ng second year para sakin. Naging auditor ako ng Red Cross and Rotaract. Dahil sa BIBBO, naging active ako sa school orgs. Dahil sa BIBBO, marami akong nakilala at naging kaibigan. Nakasama ako sa LTS nun at sobrang naging memorable yun kasi kasama ko Eychwan loves tsaka yung ibang BIBBO members. Sobrang tight namin kasi iilan lang sa aming BIBBO yung sumama (:P). Weeks after nun, nagset kami ng dinner date sa Trinoma with the alumni and founders of BIBBO. Nagkwentuhan lang and nagupdate kami sa mga nangyayari sa school.





Tuloy tuloy yung blessings na natatanggap ng BIBBO. Naaccredit na rin kami! Yes! And maganda yung line-up namin. Nakakatawa pa si Hide kasi inoffer namin yung VP position tapos kunwari ayaw pa niya, after mga 2-3 days bigla nalang niyang sinabi na tinatanggap na niya yung offer namin :)) . Training sa Moro everyday (with free food, thank you LTC :D), medyo matagal yung preparation eh kaya nakapagpractice sila ng maayos. Naging maayos rin yung room-to-room campaign namin. :)





Apat ang nanalo sa BIBBO at lima naman sa LTC. Syempre, Victory Party!



I was appointed as BIBBO chairperson kaya naman alam kong malaking responsabilidad na 'to.
Third year na, mas mabigat na para samin (lab, French, etc). Pero kahit busy kami, nagawa pa rin naming magset ng meeting para makapag-usap lalo na about accreditation. Natuwa kami kasi ang dami naming members. Sobrang kapal nung napasa naming requirements. Napupunit na nga yung brown envelope eh. Nakatatlong page kami dun sa list of officers and members na nakakatuwa kasi marami ramin rin yun. Medyo nagpahinga muna kami ng sandali tapos game na ulit sa paghanap ng ilalagay sa line-up. At kahit sembreak nun, nagmeet pa rin kami para pag-usapan na. Syempre sa president sure na kaming si Edward. Sa Treasurer rin, si Jucar. The rest, wala. Puro suggestions lang, yung iba ngang sinusuggest hindi ko pa kilala eh. Nahirapan rin kami sa paghahanap. Nakakastress, don pa lang naramdaman na naming officers yun. Inisip ko paano pa pala sa campaign period? At last nakausap narin namin si Mikmak, pag-iisipan daw niya and fortunately, pumayag siya. For the VP position, they suggested Ave. Inisip ko, "bakit nga ba hindi ko naisip si Ave?" Kaya kinausap kaagad namin siya, sobrang niligawan namin siya ni Memi at napaoo rin haha. Sinuggest ni Pio si Matt for PRO. Ako naman nung una, hala hindi ko naman siya masyado kilala. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Eh one time nandon si Edward sa may classroom nila, tinawag yung Matthew tapos naging straightforward na ako. I asked him kung gusto niya tumakbo, then nagpause lang siya for like 2 seconds, then he said, "PRO? Ayos lang". I was like "Weh? Sa BIBBO ah?" Sabi niya, "BIBBO? Sige." Inisip ko, wow ang daling kausap ah haha. Auditor na lang yung problema, and kailangan namin ng Travel Mgmt na babae. Wala akong kilala, nawalan ako ng pag-asa. Hindi ko talaga alam kung sino kasi wala naman akong mga kakilala. Until Edward suggested Gabby, 2t2's president. Sana pumayag siya, yun lang iniisip ko. I asked her through text message, she said yes. And that was it, nakumpleto na ang line-up. Kahit na si Edward, Jucar and Ave lang yung nakakausap ko doon, naging close kaagad ako sa kanilang lahat. Nakilala ko silang mabuti. Halos araw-araw kaming magkakasama. Nasanay na ulit akong umuwi ng gabi. Kahit pa pagalitan ako ng daddy ko, tinatanggap ko na lang yun, kahit sigawa pa ako araw-araw, matrain lang sila ng maayos. Ayoko kasi nang nagppractice sila on their own, parang para saan pa ang BIBBO diba? Eh di sana nagindependent na lang sila.









Dahil sa BIBBO, naranasan ko maging nanay, asawa, kapatid, lahat na! Dahil sa BIBBO, natutunan kong unahin ang iba bago sarili ko. Dahil rin sa BIBBO, natutunan kong ipambili yung baon ko ng mga pagkain, inumin at gamot nila. Hindi ko kinaya nung nakita yung tweet ni Matt na "sick..." .Parang iniisip ko sana ako nalang yung magkasakit. Pag si Ave umuubo, naaawa ako at gusto ko sana sa akin nalang mapunta yung ubo. Pag may problema si Gabby, I make sure na itetext ko siya na nandito lang kami parati para sa kanya. I'm sure ganyan rin yung nararamdaman ng ibang officers. Dumating na nga sa point sa sana kaming officers na lang yung magcampaign para sa kanila pag pagod na sila, tutal memorize naman namin yung speech nila at may spoof video pa! :)). Kaya naman sobra lang akong natuwa nung sa proclamation, nung nalaman kong 5-1 kami. Nalungkot ako for Matt, sobra! Pero alam ko namang may spot parin siya sa SC at lalong lalo na sa puso ng BIBBO.
Sa BIBBO, kayo, kayo po ang inspirasyon. Kaya naman ang aim namin at great and better you. Kaya naman kami ang inyong JUAN and only political party na kasing lakas ni CHUperman. Kaya handog nami'y hAVEy na hAVey na serbisyo.
We are BIBBO. Taking one step closer to the ultimate level. Idol, BIBBO ka!
This has been Pat, your BIBBO chairperson. Goodluck BIBBO babies ;).