Limang oras na lang Makikita na naman kita Nakahanda na Ako sayo ngayoy tutungo na
Masisilayan na naman ang iyong ngiti Di ko na yata kakayanin pang mag kunwari
Sasabihin ba, aaminin ba, Ipagtatapat na ba kaya itong Nararamdaman kong pagmamahal na Matagal ko nang lihim sayo
Wag na, di bale na lang kaya Itatago ko na lang ito Wag na, di bale na, wag na
Limang oras na lang, nananabik na makasama ka Di makapag hintay Bawat minuto'y binibilang na
Mapapansin mo ba kaya sa aking ngiti Di ko na ayta kakayanin pang mag kuwari
Sasabihin ba, aaminin ba, Ipagtatapat na ba kaya itong Nararamdaman kong pagmamahal na Matagal ko nang lihim sayo
Wag na, di bale na lang kaya Itatago ko na lang ito Wag na, di bale na, wag na
Itatago na lang, ngunit hanggang kailan Siguro ngay hanggang tingin na lang ako Isesekreto na lang ang nararamdaman
Wag na, di bale na lang kaya Itatago ko na lang ito Wag na, di bale na, wag na
Eto lang.
Pasensya na. Hindi ko lang talaga alam ang aking nararamdaman kung kaya't naglalagay na ako ng kung anu-anong bagay dito. Matagal ko nang napapakinggan ang mga kantang naisulat at nagawa ni "akuztikz" (Pakinggan niyo rin ang Lihim at Ewan Ko, ngunit ngayon ko lang narinig itong kantang "Limang Oras". Ako man ay nabahala sapagkat para itong ligaw na bala, ako ay tinamaan. Ano nga ba ang meron sa kantang ito at ako'y nauulol na dito sa aking kinalalagyan?
Ang totoo, may isang tao kasing pilit kong kinakalimutan ngunit pag andyan na ay wala akong magawa. Kasi kahit anong sabihin at gawin ko, hindi ko mapigilan itong nararamdaman ko. Ngunit kailangan ko lang itago 'to sa sarili ko, dahil alam kong ito ang nakabubuting gawin dahil wala rin namang mangyayari kung ito'y ibunyag ko pa. Bakit, mag-iiba ba tingin niya sa akin pag sinabi ko? Wala lang. Kaya, wag na lang. Kaya mahal na mahal ko tong kanta na 'to :)