He completes me. :))
Ikekwento ko na dito kung pano ako nafall kay bebe ko! Kaya kailangan mo talagang mabasa to. Please tapusin mo ah, haha!
Nagsimula ang lahat nang masilayan ko ang kanyang larawan.Parang may something special na kaagad sa kanya nun. Tapos nung makita ko ulit siya sa personal, halos namangha ako sa buong pagkatao niya. He was perfect. He was sublime. Pero hindi pa ako nafall sa kanya nun. LIKE pa lang, like. Nalaman ng mga classmates ko and nalungkot ako sa mga reaksyon nila,akala ko magiging masaya sila para sakin. Hindi eh, pinagtabuyan pa ako. Pero dahil dito, natutunan ko nang mafall sa kanya ng tuluyan. Ilang seconds ko rin pinigilan eh, pero wala, nafall talaga ako. Hanggang sa nalaman na ng iba na siya nga ang iniirog ko. Natameme sila lahat, yung iba nawindang. May mga ibang gusto nang mamatay, may mga nahilo, nasuka, natawa na lang. May iba rin nagwalk-out at tinignan ako ng masama. At that point, naisip ko, "Mali bang umibig?".
Kahit na ganoon, pinagpatuloy ko parin tong nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit huli na ang lahat, may iba na siyang gusto. At ako, babalik nanaman sa umpisa, hangang tingin na lamang.
PERO!May himalang dumating. Isang araw, nakaupo lang kami lahat sa isang lugar, nagkekwentuhan. Bigla siyang dumating. Halos nabuo ulit ang mundo kong siya rin ang gumuho. Mahal ko siya, yun lamang ang naisip ko. Wala na akong hahangarin pa mundong ito kundi ang pag-ibig rin niya.
He completes me.
*bow
=)):))=)). Ano, tinapos mo? :P